Wednesday, March 22, 2006
hay. andito ko sa lib. mag-isa. nagpapakaburo sa research para sa individual paper na major sa filipino. ipinasa ko na rin ung last major paper sa english kanina. nandun na rin ung pre-final class standing namin. ambaba. super. what can i expect? eh bobo ko.. tsktsk..
andito ako. walang kasama.
*loner..*
bad kasi ko. konting salita lang, galit na ko. super temperamental. :)
pero sa totoo lang, i did change a lot ngayong college. nung hs, as in konting salita lang, walang wala na. automatic, galit ako. ngayong college, humaba ng bahagya ung pasensiya ko. pero i guess everything has its end. wala bumalik na naman ako sa dati kong basurang pagkatao.
hay.. nakakatuwa no? ang ironic ng buhay talaga.
sinubukan kong magbago ngayong college. natupad.
pero bakit 'yung mga dahilan kung bakit ko sinubukang magbago ang ngayon ay nagtutulak sa akin upang bumalik sa dati kong pagkatao..
hindi ako itinakdang mabuhay ng masaya sa mundong ito.
pagbabago. natatanging paraan upang makahulagpos ako sa kadenang bakal na nagkukulong at pumipigil sa akin upang gawin ang aking mga ninanais.
posted at [6:06 PM]
_____________