the hell with physics lec.
grrrr.
napiga ang utak ko.
pilit kong pinag-isipan ang mga formulas na hindi ko maintindihan.
imagine.
eight questions. may isang madali, may isang mahirap. may anim na ubod ng hirap.
two hours ang time para tapusin namin 'yun.
after half hour, isa pa lang nasasagutan ko. tapos pitong number na puro given lang ang nakalagay.
after half hour ulit, tatlo na nasagutan ko . limang tanong na puro given.
after half hour ulit, nasagutan ko na lahat . may sagot nga lahat. puro mali naman. sure na sure ako na puro mali ung mga 'yun. todo hula lang kaya ginawa ko.
so, wala na kong masagot. tumigil na sa pagfunction ang brain ko. naubos na lahat ng brain cells ko. wala na. kaya half hour rin akong tumanga. tumingin sa kawalan. nagdasal na sana kahit twenty points eh umabot ako. kaya lang, wala na. wala na kong pag-asa.
pagkayari, tiningnan namin ung pre-finals standing namin sa physics. wah. un lang.
imagine, ang highest B+, tapos ang kasunod, C+ na. at malayo ako dun.
:(
sa aking three weeks na summer vacation, hindi na naman ako tatantanan ng kaba. kaba na nanggagaling sa pangambang mawawalan na ko ng kinabukasan. hehe. hehehe.
posted at [12:15 AM]
_____________