royal roads
haha. may saturday classes kami ngayon. sa psych, from 12:30 hanggang 5.
para daw maging dyad ung second major exam namin. ung topic na icocover ngayon eh states of consciousness and hypnosis. baka daw mag-activity mamaya. para daw masaya.
sana nga.
*****
ket kaya wala akong masabi ngayon no? hindi na ko masyadong nakakapagkuwento.
hay.. hindi ko talaga alam..
*****
minsan, ang sarap talagang matulog. at least, walang mga problema, di na kailangang mapiga ang utak ko sa kaiisip ng kung anuanong bagay.
samahan mo pa ng panaginip. lalo na kung 'yung napapanaginipan mo eh ung pinapangarap mong mangyari. sakto no.
*****
dreams are the royal roads to the unconscious.
sigmund freud.
posted at [7:19 PM]
_____________